Add parallel Print Page Options

24 Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y (A)kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.

25 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, (B)Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.

26 Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay (C)hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.

Read full chapter